|
Description:
|
|
Sa
pagpapatuloy ng series tampok ang Filipino scholars sa Tsina, ang episode
ngayong araw ay nakatuon kay Justine Orduña. Nasa unang semestre siya ng
pag-aaral sa Zhou Enlai School of Government, Nankai University, Tianjin.
Kumukuha siya ng Masters of International Affairs and Public Policy. Inilahad ni Justine kung paano siya
napabilang sa Government Scholarship ng China at paano napili ang NanKai
University sa dinami dami ng pamantasan sa Tsina. Bukod sa buhay estudyante sa
Tianjin, pinulsuhan din ni Justine ang lagay ng ugnayang Sino-Pilipino at
tinasa ang mga kasunduang pinasok ng Pilipinas matapos bumuti ang relasyon sa
Tsina. Ang buong panayam ay mapapakinggan sa programang Mga Pinoy sa Tsina. |