|
Description:
|
|
12 taon nang naninirahan sa Tsina si Joe
Santiago. Hindi siya OFW. Sa Shanghai, masuwerteng nakuha ni Joe ang visa na
alok ng Shanghai para sa mga entrepreneurs. Taliwas sa ideya ng marami, hindi
kinailangan ni Joe ang malaking pera para magsimula ng kanyang kumpanya. Ano
ang puhunan? Kaalaman at kakilala. Sa interview ni Mac Ramos kay Joe Santiago,
ipinakikilala nito ang sariling global sourcing and consultancy company at ang
isang venture na tinatawag na Green Thumb. Layunin ng Green Thumb na tumulong
sa mga magsasaka sa Pilipinas na makahanap ng pagbabagsakan ng mga produkto at
paninda. Alok din nito ang investment opportunities sa mga OFW na gustong
palaguin ang kanilang pera. Ang mga detalye sa programang Mga Pinoy sa Tsina. |