|
Description:
|
|
5G, ito ang
buzz word ngayon sa Tsina. Teknolohiyang inaasahang magbabago sa galaw ng media
sa higanteng bansang ito. Ang 5G o 5th Generation ay mag-aalok ng mas mabilis
na plataporma para sa video traffic na kinabibilangan ng video streaming, video
conferencing at virtual reality. Tinatayang mangunguna ang Tsina sa paggamit
nito ngayong 2019.
Isang
delegasyon ng mga media professionals mula sa mga bansang kabilang sa
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang inanyayahan sa Tsina upang
maging saksi sa mga proyektong nagsusulong sa paggamit 5G technology.
Kabilang sa
delegasyong Pilipino na dumalo sa media seminar ay sina Robert Gonzales Mano ng
ABS CBN at Macon Araneta ng Manila Standard. Sa panayam ni Mac Ramos sa
programang Mga Pinoy sa Tsina, natalakay ang mga paksang gaya ng cyber bullying, fake news,
issues sa ethics ng online reporting at marami pang maiinit na usapin kaugnay
ng pamamahayag sa Tsina at Pilipinas. |