|
Description:
|
|
Ayon sa datos na inilabas ng media
kamakailan, sa buong bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Tsina, 1/3 sa
kanila ay mga guro. Ang English training market sa bansang ito ay umaabot sa
US$72B. Ang nasabing kita ay mula sa 50,000 training institutions na nagsisilbi
sa 300 million mga Tsino na naniniwalang kailangan nilang matutong magsalita ng
wikang Ingles.
2008 tinaggap ni Marian Brina ang alok para
magturo sa Tsina. Sa kasalukuyan nagtatrabaho si Marian bilang Academic
Coordinator sa Eton Kids. Ang Eton Kids ay pinakalamaking Montessori Education
group sa Tsina.
Ibinahagi
ni Marian Brina sa kanyang panayam kay Mac Ramos kung ano ang dahilan kung
bakit niya piniling manatili sa Tsina at kung ano ang pangarap niyang itatag
pagbalik niya sa Pilipinas. Ang lahat ng ito sa programang Mga Pinoy sa Tsina. |