|
Description:
|
|
Noong nakaraang episode, tinalakay natin ang isang magandang
balita hinggil sa relasyong pang-negosyo ng Pilipinas at Tsina, na magdadala ng
maraming pag-unlad at trabaho para sa nakararami nating kababayan.
Sa ating eksklusibong panayam kay Glenn Penaranda, Trade
Attache ng Pilipinas sa Tsina, sinabi niyang, noong 2018, ang Tsina ang siya
nang naging pangunahing pinanggagalingan ng Aprubadong Dayuhang Puhunan ng Pilipinas.
Aniya pa, ang puhunang ibinuhos ng Tsina sa Pilipinas
sa nasabing taon ay nagkakahalaga ng Php50.69 bilyon (US$975 milyon). |