|
Description:
|
|
Nitong
Enero 2019, ipinagdiwang ng grupong The Filipino Teachers (TFT) in China ang
unang anibersaryo. May 154 na miyembro ang WeChat group nito na binubuo ng mga
mga academic coordinators, guro, school administrators, atbp. mula sa iba’t ibang lunsod ng Tsina. Sila'y
ay nagtatrabaho sa mga international schools, learning centers, kindergarten at
play schools. Inilahad ni Marian Brina, founder ng TFT in China na hangad
niyang itaas ang estado ng mga Pilipinong guro sa pamamagitan ng pagpapalitan
ng mga teaching resources. Tinalakay
nina Mac Ramos at Marian Brina ang mga usapin kaugnay sa visa ng mga gurong Pinoy, at pinulsuhan ang nilalaman ng guidelines na inilabas ng
pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa pagtatrabaho sa Tsina. Inilahad din ni Marian Brina ang mga
aktibidad ng TFT para sa 2019 kabilang ang TFT Speaker series na pangungunahan
ni Jensen Moreno at pinamagatang "On Fostering Creativity
Excellence."
Pakinggan ang mga
detalye sa programang Mga Pinoy sa Tsina. |