|
Description:
|
|
Dalawang
taon na sa Shanghai si Kennith Dillena. Isa siya sa iilang Pinoy recipient ng
China Government Scholarship para sa taong 2016. Si Kennith ay kumukuha ng
Doctorate in Sociology sa Shanghai University –College of Political Science and
Sociology. Aniya, sa larangan ng sosyolohiya, isa ang Shanghai University sa
mga nangunguna sa mundo, kaya pinili niyang dito isagawa ang pagpapakadalubhasa.
Bago pumunta sa Tsina, si Kennith ay faculty sa De La Salle University. Sa
episode ng Mga Pinoy sa Tsina ibinahagi niya ang damdamin ng solong
estudyanteng Pinoy sa napakalaking prestiyosong pamantasan sa lunsod na
tinaguriang financial hub ng Tsina. Bukod dito pinulsuhan ni Kennith ang Belt
and Road Initiative na isinusulong ng Tsina maging ang hangarin nito para sa
isang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan. |