|
Description:
|
|
Mga kaibigan, idinaos po kamakailan dito sa
Beijing ang 2017 International Industrial Capacity Cooperation Forum (IICCF) at
Ika-9 na China Overseas Investment Fair (COIFAIR), at doon ay dumalo ang bagong
Commercial Counsellor ng Pilipinas sa Tsina, na si Glenn G. Penaranda.
Nagkaroon din po ng pagkakataon ang inyong
lingkod na dumalo sa nasabing pagtitipon at makapanayam si Ginoong
Penaranda. Sinabi niyang, ang katatapos
na pagbisita ni Premier Li Keqiang sa Pilipinas ay lalo pang nagpasulong sa mga
kooperasyong pang-negosyo na nauna nang napagkasunduan nina Pangulong Rodrigo
Duterte at Pangulong Xi Jinping noong nakaraang taon. |