|
Description:
|
|
Sa pagdaraos kamakailan sa Beijing ang Seminar on China-Philippines
Production Capacity and Investment Cooperation, sa Changfugong Hotel,
ipinahayag ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina ang
pasasalamat sa Tsina sa pagpupunyagi nito upang ma-enkorahe ang mga kompanyang
Tsino na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.
Aniya, sa katatapos lamang na Bo’ao Forum for Asia (BFA)
sa Lalawigang Hainan, Tsina, naging saksi sina Pangulong Rodrigo Duterte
ng Pilipinas at Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa paglagda
sa mga letter of intent ng 9 na kompanyang Tsino na nais mamuhunan sa
Pilipinas.
Aniya, sa kasalukuyan, ang Tsina ang ika-8
pinakamalaking pinaggagalingan ng dayuhang direktang puhunan ng Pilipinas.
Umaasa si Sta. Romana na patuloy pang lalaki ang pamumuhunan
ng mga kompanyang Tsino sa bansa sa mga susunod pang taon. |