|
Description:
|
|
Idinaos ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing noong Hunyo
12, ang isang pagtitipon bilang pagdiriwang sa Ika-120 Anibersaryo ng Kasarinlan
ng Pilipinas.
Hinggil sa lumalakas na ugnayan ng Pilipinas at
Tsina, nakapanayam po natin ang isang pulis na kasalukuyan ngayong nasa Beijing
na nag-aaral sa mga pag-unlad na natamo ng Tsina sa larangan ng pampublikong seguridad.
Sa ating panayam kay Police Senior Inspector Gelyn Bacsal
Tubog, masaya niyang ikinuwento ang kanyang mga karanasan, realisasyon at
pagkaka-unawa sa kulturang Tsino at bansang Tsina. |