|
Description:
|
|
Lumahok ang mga batang Tsino na may edad 8
hanggang 15 taon sa Ni Hao Philippines
Ang Ni Hao Philippines pahayag ni Irish Kay
Kalaw-Ado, Second Secretary and Consul ng Philippine Embassy ay regular na
aktibidad ng embahada para sa mga Tsino at dayuhang estudyante na nais
magkaroon ng kaalaman hinggil sa Pilipinas
Tampok sa presentation ni Joan Pichay, Cultural
Attache ang pagtututo ng simpleng mga salitang Filipino, kaalaman hinggil sa
kasaysayan, kultura at turismo ng Pilipinas.
Ang grupo na binubuo ng 64 kabataan at 5 guro
ay kabilang sa summer camp na Little Chinese Digital Culture Ambassador ng
Embassy Business and Culture Net. Ang mga mag-aaral ay mula sa Beijing at
lalawigang Hebei at Sichuan.
Ito ang ikalawang pagdalaw ng Little Chinese
Digital Culture Ambassador sa embahada ng Pilipinas. Sa programa, ipinakita ng
ilang mga bata ang sayaw ng Lahing Zang ng Tibet at pagtutugtog ng pluta at
tradisyunal na instrumentong pipa. |