|
Description:
|
|
Kasabay ng pagbubukas ng China
International Import Expo (CIIE), pinakamalaking ekspo ng Tsina, idinaos din
Nobyembre 5, 2018 ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Trabaho, Negosyo,
Kabuhayan (TNK) Seminar. Layon nitong i-enkorahe ang mga Pilipinong nagtatrabaho
at namumuhay sa Shanghai at mga malapit na lugar na pumasok sa larangan ng
negosyo at bigyan ng tamang akses sa impormasyon, network sa mga supplier, at
iba pang pangangailangan ang mga Overseas Filipino Investor (OFI) upang
tulungan silang magtagumpay sa kanilang negosyo. |