|
Description:
|
|
Nagsimula
ang China adventure ni Ma. Theresa Flores nang magdesisyong mag-aral ng
Mandarin language sa Beijing noong 2014. Naniniwala siyang ito ay isang
investment sa kanyang career sa hinaharap.
Matapos
ang dalawang taon, nabigyan siya ng oportunidad na kumuha ng Masters Degree.
Bilang isang scholar, ngayon si Theresa ay nasa ikalawang taon ng kanyang
pag-aaral sa China Foreign Affairs University sa Beijing. Ano ang dahilan kung
bakit napili ang kursong International Relations? Matapos ang matagumpay na
pagdalaw sa Pilipinas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, pinulsuhan din ni
Theresa ang lagay ng Sino-Philippine relations. Pakinggan ang kanyang mga
pananaw sa Mga Pinoy sa Tsina. |